This Man Was Humiliated By A Woman Who Uploaded His Photo Online And Called Him A 'Maniac'. How He Reacted To It Was Unbelievable!

Advertisement


Living in a technologically-advanced world has its own disadvantages. One wrong move and your face could unknowingly end up all over social media. 

This is what happened to a netizen on his way to work. 

Call center agent Louie Dela Paz posted about a girl who made his face go viral on Facebook

According to Louie, he fell asleep inside the FX while he was on his way to the office. This led the girl sitting beside him to believe that he was a pervert for unintentionally touching her back.


Here is his full post:

"Eto na. Haha tae natatawa ako. 

Pasikatin natin to. Binuo araw ko e. Hahaha. Gaya gaya putek. 

Eto na talaga. Unang una, ako to. Pangalawa. Di ko minanyak si ate. 

Hi Macy Wayne Olazo. Pumasok ako sa work. GY shift. Tapos. Naisipan ko na dun nalang matulog sa office after ng shift ko. So nagising na ako anong oras na. Biyahe ako from Shaw. Pagdating ko ng Cubao, nagdecide ako na magfx nalang. Rush hour na at saka siksikan na sa jeep. So pumila ako. Nung may masasakyan na na fx, sa gitnang part yung may bakante. Meron din naman sa likod. Pero di kasi ako komportable sa likod. Lalo na kapag alam kong makakatulog ako sa biyahe. Nung pasakay na ako, 3 na yung nasa gitnang part. So sakto ako na yung magpupuno sa gitnang part. Si ate na nasa pinto, bumaba. Pinaupo niya ako dun sa loob at siya yung pumwesto sa may pinto. Pagsakay na pagsakay ko, nakaramdam na na naman agad ako ng antok. At kung kilalang kilala mo talaga si Louie, mantika ako matulog. So siguro nung pagalis pa lang ng fx, tulog na ako. Nakatulog ako ng mahimbing. Una pagod. Tapos matagal biyahe. Nagising ako bali bayan na. So kumuha ako ng pambayad sa fx, at nagbayad. Maya maya, bumaba na si ate. Sabay sabi, "kuya sa susunod ayus ayusin mo ha". Edi ako nagulat kasi imbyerna na si ate. Kakagising ko lang e. Wala naman akong alam. Then, si kuyang driver, bumaba ng fx. Akala niya daw siya yung sinigawan. Sabay pasok ulit ng fx. "Oy minamanyak mo daw yung katabi mo kanina pa". Nagulat ulit ako. Sabay sinagot ko, "luh? Tulog ako e". So dun sa point na yon, nahiya ako kasi malamang sabihan ka ba naman ng ganon e. At mukhang puno pa rin yung fx. Nanliit ako pero di ko naman talaga minanyak si ateng. Buti nalang, malapit na ako bumaba. Bawas kahihiyan sa loob ng fx. 

So yun na nga. Pag uwi ko, natulog ulit ako kasi nga pagod na pagod ako haha.maya maya pagising ko. Nagchat nalang yung tita ko. Tinatanong kung ako ba raw yon. Before that, may link siyang sinend din sakin. At eto na nga yon. Yung post ni ate na sumira ng katauhan ko. 

Binasa ko yung post mo ateng. Ebarg ka naman. Di naman kita ginawan ng kung ano ano. Well, di rin naman kita masisisi kasi siguro may naexperience ka na rin siguro dati na ganon yung sitwasyon at talaga ngang minanyak ka. Di kita masisisi don. 

So sana ate. Di ka nalang nagpost ng ganito. Di naman kita binastos e. Likod nga lang nadikitan ng kamay ko e. Di naman kita binastos e. Isa pa. Di naman kita binastos e. Gets? 

Saka ate. Tulog na tulog ako. Pano kita mamanyakin? Kitang kita sa picture na kinuha mo na tulog na tulog ako. 

Kumuha ka kaagad kasi ng support sa mga tao. Alam mo naman na may makita lang na ganitong post sa FB walangya magsikumento. So yan. Nasira mo na puri ko. Sumisikat ka pa ngayon. Sorry ate pero di ka man maniwala, gentleman ako HAHA. Di nga seryoso. Alam ng mga kaibigan ko yan. May nanay ako. Bakit ko gagawin sayo yun kung may galang ako sa mga babae? 

Ako malinis konsensya ko. Sana ikaw din. Post pa more. TH pa more." 

Louie posted this in response to what a certain Macy Wayne Olazo posted about him.

This Man Was Humiliated By A Woman Who Uploaded His Photo Online And Called Him A 'Maniac'. How He Reacted To It Was Unbelievable!

Who do you think is telling the truth? Tell us what you think in the comments section below! 
Source: Facebook

Visit and follow our website: Trending News Portal

© Trending News Portal